MANNY PACQUIAO is Dead Serious on His Training for the Oscar De la Hoya "The DREAM MATCH" - Avoids Fans & Friends with Viral Flu
Even the Pacman isn't invincible when it comes to the viral flu. He said he is appealing to his friends and fans not to come near him if they have coughs and colds for it may transmit to him thus jeopardizing his chances of beating the Golden Boy. It only goes to show that the Pacman, Manny Pacquiao is indeed dead serious on his training for his upcoming and most important fight on December 6, 2008 against the popular boxer in current times, Oscar 'The Golden Boy' De la Hoya.
"Kumbinasyon"
By Manny Pacquiao
BAWAL MAGKASAKIT
PhilBoxing.com
18 Sep 2008
LOS ANGELES — Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon saan mang panig ng mundo. Kadalasan ay sinasabi kong ako ay nasa mabuting kalagayan pero ngayon po, medyo tinamaan ako ng kaunting sipon, isang bagay na hindi ninyo dapat ipagkabahala.
Dumating po ako dito sa Los Angeles noong Linggo kasama ang aking mga pinagkakatiwalaang mga tinyente na sila Atty. Franklin "Jeng" Gacal Jr., Raides "Nonoy" Neri, at ang magkapatid na sila Boboy at Roger Fernandez galing ng Manila.
Sa airport pa lang, mainit na akong sinalubong ng aking mga fans at mga kaibigan. Hanggang sa aking apartment sa Los Angeles, tuloy pa rin ang pagdating ng sari-saring mga taga-suporta hanggang sa dinapuan na ako ng kaunting karamdaman.
Kasama na rin siguro ng jet lag at kawalan ng sapat na tulog, ang pabago-bagong temperatura at ang pagkalat ng virus sa tinatawag na flu season, kaya ako nagkasakit. Pati si Boboy ay tinamaan na rin yata ng sipon. Medyo may mga napansin akong mga bumisita sa akin may mga sipon pero hindi naman ako nababahala.
Masaya ako na makita ang marami sa aking mga fans at kaibigan at nitong nagdaang mga dalawang araw, ako ay nakapag-relax na ng kaunti sa paglalaro ng darts at golf.
Buti na lang at malayo pa ang laban, kung hindi, baka medyo ako po ay mag-aalala pa. Sa aking experience, mas mabuti pang magkasakit na ngayon kaysa sa tamaan ako ng karamdaman sa paglapit na ng laban. Blessing na rin ito dahil mahaba pa ang aking pagpapahinga. Kung minsan, kailangan nating pakinggan ang tinig ng Diyos na nagsasabi na kailangan nating pangalagaan ang ating katawan, huwag aabusuhin ito at medyo maghinay-hinay ng kaunti sa mga gawain.
Dapat po sana ay lilipad kami ng Martes ng hapon patungong Las Vegas, upang makipagkita sa aking promoter na si Bob Arum na binigyan parangal ng araw ring iyon pero dahil sa aking kalagayan, minabuti kong huwag na lang muna tumuloy. Minabuti kong magpahinga na lang at kumpletuhin ang tulog bago ko rin simulan ang pagsabak sa training.
Sa mga panahong ganito kung saan ako ay may kaunting karamdaman, ipinapaalala sa akin na hindi ako si Superman. Tinatablan din ako ng sakit at iyan ay dapat na mag-ingat lalung-lalo na sa paglapit ng laban. Siguro, medyo kailangan na ring umiwas sa maraming mga tao upang hindi makasagap ng virus.
Inuulit ko po ang panawagan sa aking mga fans at kaibigan na kung may mga nararamdaman na silang hindi maganda gaya ng sipon at ubo, sana naman ay ibahin na nila ang petsa ng kanilang pagbisita sa akin. Itong laban na ito ang pinakamatinding pagsubok sa aking career at hindi po biro ang makakalaban ko—si Oscar Dela Hoya, ang Golden Boy ng boxing.
Hinihiling ko pa rin na sana ay magkaisa tayong lahat sa laban na ito at ipagpatuloy natin ang pagdarasal sa isa't-isa upang sa huli, tayo ay magwawagi.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
Philboxing.com

Comments