MANNY PACQUIAO's Own Experience as Philippine Flag-bearer at the Beijing 2008 Olympics in 'Kumbinasyon'
Here's an article that was written by Manny Pacquiao himself (written in Tagalog) on his amazing experience as Philippine flag-bearer and his meeting with Kobe Bryant,Jason Kidd and Lebron James.
"Kumbinasyon"
By Manny Pacquiao
GREATEST SHOW ON EARTH
PhilBoxing.com
10 Aug 2008
BEIJING — Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at gusto ko kayong batiin ng isang mainit na "ni hao," ang Chinese translation ng hello.
Sa kasalukuyan, ako po ay nasa Beijing, China at dumalo ako sa pagbubukas ng Olympics, ang pinakamalaking sports event sa buong mundo. Sa totoo lang po, kahit na sanay na ako na nagtatanghal sa itaas ng ring, ang experience na ito ay walang kaparis dahil napasama ako sa pinakamagagaling na atleta ng planeta. Tumatayo ang aking balahibo habang tangan ko ang flag ng Philippines at buong sigla ko itong iwinawagayway gaya ng ilang beses ko nang ginagawa kapag ako ay lumalaban at nananalo.
Hindi ko lubos maipaliwanag ang saya at pagkamangha na aking nadarama kahit na hindi ako kasali sa Olympics. Isa talagang malaking karangalan ito para sa akin at sa aking pamilya.
Siguro nga, hindi ko kapalaran ang mapasali sa Olympics noong ako ay nag-uumpisa pa lang sa boxing. Pero dahil na rin sa aking pagpupursigi na gumaling at magwagi bilang isang professional boxer, kaya ako naging kampeon. Gaya rin siguro ng magiting na alamat ng boxing na si Alexis Arguello na humawak ng flag ng Nicaragua, ako ay napili dahil na rin sa aking mga nakamit na karangalan para sa bansa.
Nalaman ko na may 1.3 billion na katao pala dito sa China at ang marinig ang sabay-sabay na tambol ng 2,008 katao o ang makita ang ganda ng 2,008 kataong sumasayaw ng tai chi na sabay-sabay ay isang experience na hindi ko makakalimutan. Sabi nila, mahigit na 15,000 katao ang lumahok sa opening ceremonies at ang bawat dance number ay nilahukan ng 2,008 na miyembro.
Nabusog ang aking gunita sa lahat ng aking nakita, at alam kong lahat ng naririto ay mga kampeon sa kani-kanilang bansa. Alam ko rin na iba-iba ang pansariling disiplina ng bawat kasapi rito at ang paghahanda at paghahangad na makamit ang ginto ay may iba't-ibang kahulugan at pamamaraan.
Ang pagsuot ko ng Barong Tagalog ay nagbigay sa akin ng panibagong kahulugan ng salitang kagitingan dahil alam ko, marami sa mga atleta na naririto ay lumalaban para sa dangal ng kanilang bansa. Gaya ng atletang si Kobe Bryant ng basketbol, na kumikita ng milyones, siya ay nagsasakripisyo na maitayo ang bandila ng USA na walang bayad para lamang makamit ang ginto.
Hindi ko inaasahan na mainit at maalinsangan dito sa Beijing, pero mas mainit na experience ang makita ang mga kapwa ko atleta. May picture nga kami nila Bryant, Lebron James, Jason Kidd at marami pang mga athletes na nakakilala sa akin. Masarap na mapabilang sa hanay ng mga athletes na alam ang sakit at sakripisyo na dinaranas sa sports.
Para sa mga kapwa ko atletang Pinoy gaya nila Henry Dagmil at Marestela Torres (athletics), Mark Javier (archery), Harry TaƱamor (boxing), Sheila Mae Perez at Ryan Fabriga (diving), Eric Ang (shooting), Miguel Molina, James Walsh, Daniel Coakley, Ryan Arabejo at Christel Simms (swimming), Marie Antoinette Rivero at Tshomlee Go (taekwondo) at si Hidilyn Diaz (weightlifting), good luck and bring home the gold.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
article source : Philboxing.Com

Comments